2-21
-Gabriel Coronel
-Carla Ysabelle Menor
-Ram Genesis Tam
-Ruby Rose Serrano
-Leiza Marie Quijano
-Jean Rocele Crucillo
-------------------------------------------------------------------------------------------------
*****Unang-una sa lahat, gusto ko po munang ipaliwanag kung bakit "Uxie" ang pangalan ng aming grupo.
Ako po ay mahilig sa palabas na Pokémon, isang multi-billion media franchise mula sa Nintendo. Si Uxie ay isang uri ng Pokémon. Siya ay nagrerepresenta ng katalinuhan. :)
Kaya yoon, iminungkahi ko sa grupo ang pangalang Uxie.*****
Biyernes ng umaga, Disyembre 11, 2009...
Napagkasunduan naming magkakagrupo na puntahan ang Pandayan Bookshop sa may Valenzuela. Madali lang pumunta rito. Sasakay ka ng LRT patungo sa stasyon ng Monumento, pagkatapos ay sasakay ng jeep papuntang Valenzuela. Kami ay panandaliang nagtagal sa sasakyan dahil sa trapik... Narating na namin ang Pandayan Bookshop. Isa siyang simpleng tindahan ng mga libro at suplay na kailangan sa klase.
Kung mapapansin ay mayroon ding maliit na note na nagsasabi na kaunti lamang ang pagpipilian. Pero hindi ko na ito tatalakayin.
Sa unang tingin ay maiisip mo, "Gaano nga ba karami ang librong binebenta rito?" Mahigit 1000 naman. Novels, fiction at non-fiction, librong gabay sa pagluluto, Adventure, Horror, mga academic textbooks, children books, at business books ang nakita naming mga uri ng babasahin.
Katabi ng mga libro ay ang mga iba pang kagamitan sa pag-aaral at pagtatrabaho.
Inalam naman namin kung ano ang estratehiya ng Pandayan Bookshop sa pagpapalawak ng mga tumatangkilik dito. Ayon sa aming mga nabasang komento sa Bulletin Board sa tabi ng pintuan at ayon na rin kay Kuya Glenn, ginagawa nilang abot-kaya ng anumang katayuan ng mga mamimili ang presyo ng kanilang mga binebenta.
Matapos nito ay tinanong namin si Kuya Glenn kung ano ba ang natatanging katangian ng Pandayan Bookshop na nagpapaiba sa ibang bookshop. Ang sinagot niya ay bukas ang pagpopokus nila sa mga estudyante; bukas sila sa mga pangangailangan nito at ginagawa nila ang kanilang makakaya upang mabigay ang pangangailangan ng mga estudyante para mapagbuti ang pag-aaral...
Panghuli ay tinanong namin kung ang establisyemento ba nila ay nagagampanan ang orihinal na layunin? Simpleng sagot lang ang kanyang binitiwan--OO. Ayon sa aming mga nabasa na komento at nakita na marami ang bumibili sa kanila, walang duda na tama ang sinabi niya. Naisipan na ng grupo namin na magmadali dahil malapit na ang umpisa ng klase at naistorbo na namin ang trabaho ni Kuya Glenn. Kaya kami ay nagpaalam na kumuha ng litrato kasama siya at ng iba pang parte o facade ng estabilsyemento.
Pagkatapos kumuha ng mga litrato ay umalis na kami papuntang UST. Buti na lamang ay 3pm pa ang pasok namin. Hindi kami nahuli sa klase! :)
Maraming salamat sa pagbabasa at salamat din kay Kuya Glenn sa pagpapaunlak ng isang interview!
-Uxie group
0 comments:
Post a Comment